
10/12/2019
Ang mga bulaklak,
mga puno’t halaman
ay hubad;
bilad sa araw,
babad sa ulan.
Ang mga ibon,
pawang nakikisilong
sa lupa umaasang
may masarap na
nahulog.
Ang mga paruparo
kung sino-sino
ang kalaguyo;
hindi makatagal ng
walang kasuyo.
Anong dapat ikahiya-
kung pare-pareho lamang tayo
alipin ng panahon,
mga payaso
ng isang-libo’t isa nating alalahanin
karamihan nama’y
sa guni-guni lamang nangyari.
Wala akong dapat ikahiya.
Pango man ang ilong ko,
Ilong pa rin ito:
Wala kasing sarap
ang simoy ng tuyo,
sa hamon na ito ng tag-ulan
kuntento ako.
Matatapos din
ang lahat;
Lilipas din ito.
YouTube/Bakit Ako Mahihiya/Regine Velasquez
I have no idea what any of this says, but I enjoyed the song. Her voice is lovely. 🙂
LikeLiked by 1 person